URBIZTONDO SUMAILALIM SA DILG VALIDATION Posted on January 29, 2020

Matapos ang September 30, 2019 na itinakda ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kaniyang direktiba ukol sa road clearing, sumailalim ang LGU ng Urbiztondo sa validation ng kinatawan ng Department of Interior and Local Government na si Ms. Vanessa Valdez Llego.

Kasama ang mga agency heads ng PNP-Urbiztondo, BFP-Urbiztondo, ilang CSO representative at si Engr. Norberto Cancino ng Engineering Dept. ng LGU-Ubiztondo, inikot at ininspeksyun ang ilang bahagi ng provincial roads at municipal roads na nasasakupan ng bayan.

Ilan sa mga ito ay ang kahabaan ng Rizal St., Mabini St., public plaza, Bayambang-Urbiztondo Road at Basista-Urbiztondo Road.

Layunin ng validation na mapatunayan kung gaano kasigasig ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga road clearing. Kabilang dito ay pagtanggal sa mga encroachment ng sari-sari stores, barangay illegal structures (hal. waiting shed), jeep, bus at tricycle terminals, illegally parked vehicles, street dwellers at illegal vendors.

Maliban sa iilang mga nasumpungang paglabag na nangangailangan ng dagdag pang panahon para sa rehabilitasyon, karamihan sa mga ito ay naaksyunan na ng lokal na pamahalaan. Ipagpatuloy pa rin nito ang clearing operations para lubusang makatugon sa direktiba.

Ang nasabing validation ay isusumite ng validator sa DILG National Office para sa dokumentasyon ukol sa pambansang direktiba ng Pangulo.

/SGH

71782708_2106516236114830_232907903139315712_o

72394591_2106516289448158_3333169662811701248_o

71272831_2106516356114818_4398074149218549760_o

71759148_2106516462781474_6742954992358916096_o

71217418_2106516516114802_7017074103135764480_o

71745277_2106516599448127_5153171585024131072_o

71689800_2106516672781453_6766815953754783744_o

(Photos by: JMCP)