“URBIZTONDO NUMERO UNO – BEST PERFORMING LOCAL GOVERNMENT UNIT IN SPECIAL PROGRAM IMPLEMENTATION”. Posted on November 12, 2015

awardsNanguna ang Bayan ng URBIZTONDO bilang “BEST Performing LGU” sa pagpapatupad ng espisyal na Programa ng Department of Health na “MEASLES Rubella-Polio Mass Immunization” (MR OPV MI) na isinagawa noong buong buwan ng Septyembre 2014. Nagtala ng 100% coverage ang Bayan ng Urbiztondo para sa bilang ng mga batang binakunahan.

Tinanggap ni Hon. Mayor Martin Raul S. Sison II ang Special Plaque Award, samantalang tinanggap ni Dra. Catherine B. Licuanan (nakasuot ng pulang damit) mula kay Provincial Treasurer Marilou Utanes ang Cheke na P5,000.00 bilang karagdagang premyo. Ginanap ang Award Ceremony sa isinagawang Provincial Health Summit noong ika-6 ng Nobyembre 2015 sa Sison Auditorium, Lingayen Pangasinan.