UNANG ANIBERSARYO NG LGU-URBIZTONDO ZUMBA FITNESS AND WELLNESS PROGRAM, IPINAGDIWANG Posted on January 9, 2020

Masaya at punong-puno ng sigla na ipinagdiwang ang unang taong anibersaryo ng ZUMBA FITNESS AND WELLNESS PROGRAM sa Urbiztondo Multi-Purpose Gym and Sports Complex.

Dumalo sa nasabing pagdiriwang ang mag-inang Mayor Martin Raul S. Sison II, at Vice-Mayor Marilyn “Ate Lai” S. Sison na nakipagsabayan pa sa pagsayaw ng Zumba. Bilang tagapagtaguyod ng nasabing program, nagpahayag ng suporta ang mag-ina. Bahagi ng kanilang pahayag ang pagkampanya sa “ACTIVE and HEALTHY LIFESTYLE” upang makapamuhay ng masaya at malayo sa anumang pagkakasakit ang mga taga Urbiztondo.

Nakisaya din ang ilan sa mga Punong Barangay, Department at Unit Heads ng LGU- Urbiztondo at ilang Zumba Group na nagmula pa sa San Carlos City, Mangatarem at Malasiqui.

Ang Zumba ay regular na isinasagawa dalawang beses sa isang lingo, tuwing lunes at Miyerkules sa Urbiztondo Multi-Purpose Gym and Sports Complex.

Libre sa lahat ng mga nais sumali sa naturang gawaing pangkalusugan.

/SGH

70164912_2071455712954216_7963333322036215808_o 70253159_2071495769616877_6778040996811767808_o 70122109_2071457149620739_5619787423450923008_o 70867701_2071495722950215_7850412240913039360_o 69930421_2071456912954096_3948244885525495808_o 70680624_2071456192954168_6604999251241992192_o

(Photos by: JMCP)