“TAHANAN NG KATUPARAN” Posted on March 4, 2016
IMG_6669IMG_6670

Ito na ang modelo ng bahay na kasalukuyang itinatayo sa Resettlement (Housing) Area ng Bayan ng Urbiztondo na matatagpuan sa Barangay. Batancaoa.

Dito maninirahan ang mahigit na isang daang pamilya ng Urbiztondonian na walang sariling bahay at lupa.

Sa pagsisikap at pamamahala ni Hon. Mayor Martin Raul S. SIson II, magkatuwang na itinataguyod ang naturang proyekto ng National Housing Authority, Regional Department of Social Welfare and Development at ng Local Government Unit of Urbiztondo.

Ito na nga ang katuparan ng pangarap ng ating mga kababayang napagkaitan ng pagkakataong mamuhay nang may kapanatagan at dignidad.