SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZEN, IPINAMAHAGI NA Posted on February 10, 2020

Masayang tinanggap ng mahigit isang libo nating kababayan na senior citizen ang kanilang SOCIAL PENSION na kaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Regional Office. Katuwang dito ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) ng Lokal na Pamahalaan ng Urbiztondo nito lamang Huwebes, Oktubre -17 taon kasalukuyan sa Urbiztondo Sports Complex and Multi-Purpose Gym.

Ang nasabing social pension ay nagkakahalaga ng anim na libong piso (P6,000) katumbas ng labing dalawang (12) buwan o isang buong taon na nakalaan para sa mga regular na tumatanggap. Karamihan sa mga pensioner ay nagkakaedad ng mahigit pitumpung taon gulang.

Ayon sa kanila ay malaking tulong o pakinabang para sa kanila ang makatanggap ng ganitong tulong pinansiyal mula sa gobyerno kahit man lamang sa pambili ng gamot o bitamina na higit nilang kinakailangan.

Binisita ng ating Kgg na Punong Bayan Martin Raul S. Sison II ang pay-out activity at nagpahayag ng kaniyang saloobin sa kung gaanu kalapit sa kaniyang puso ang ating mga kababayan na senior citizen.

Bahagi ng kaniyang mensahe ay pagpapahayag ng suporta sa pagpapaliwanag ng mga kawani ng DSWD Regional Office I kaugnay ng ilang isyu o reklamo na idinudulog ng ilan sa mga kababayan nating senior citizen.

Pinaka marami sa mga nagrereklamo ay ang pagkakatanggal sa listahan samantalang higit naman umano silang karapat-dapat na tumanggap dahil sa kanilang edad at katayuan sa buhay.

Personal na sinagot nang maayos ng binatang mayor ang mga reklamo, na ayon sa kaniya hindi dapat na sisihin ang lokal na pamahalaan sa ilang mga problema o aberya kaugnay ng programang ito ng gobyerno, dahil sa ang lahat ay dumaan naman sa tamang proseso.

Binigyan diin niya na ang “validation” ay isinagawa ng National Office ng DSWD dahil sa ito ay “national funded” kaya walang kontrol ang lokal na pamahalaan partikular na ang MSWD ukol sa mga naturan reklamo. Sa halip ay maghintay na lamang ng panibagong “validatoin” sa susunod na taon.

Ayon naman kay Mdme. Mercedes R. Bigay, MSWD Officer ng Urbiztondo, mangyari lamang na magtungo sa kanilang tanggapan ang sino mang may mga karagdagang katanungan ukol dito.

Sa kabuuan, naipamahagi nang maayos at pantay ang tulong pinansiyal sa ating mga kababayan at umaasa ang lokal na pamahalaan na ito ay nakapagdulot ng kaunting kaginhawaan sa kanilang kalagayan pangkabuhayan.

/SGH

72881828_2134734573292996_3005654139926478848_o

72717105_2134734609959659_3904873120359514112_o

74415724_2134735729959547_700456118836527104_o

72802502_2134757693290684_270146214488440832_o - Copy

74643729_2134756166624170_75693940983988224_o

72779441_2134735809959539_7069375380188037120_o - Copy

72779441_2134735809959539_7069375380188037120_o

72882810_2134734773292976_8262486177978777600_o - Copy

72784986_2134737113292742_7470114292969242624_o - Copy

72816276_2134736469959473_7171505119756812288_o - Copy

(Photos by: JMCP)