RANDOM INSPECTION SA MGA TIMBANGAN SA PAMILIHANG BAYAN NG URBIZTONDO, ISINAGAWA Posted on January 9, 2020

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng kaayusan sa Pamilihang Bayan ng Urbiztondo, at upang lalong itaguyod ang kapakanan ng mga mamimili, ang mga timbangan ng mga tindero at tindera ay isinailalim sa “Random Inspection” noong Biyernes, Setyembre 12, 2019.

Ito ay naglalayon na masiguro na walang pandaraya na ginagawa ang mga tindero at tindera sa nasabing pamilihang bayan. Kasabay nito ay ang pagpapa-alala sa mga depektibo at luma na timbangan na hindi na dapat ginagamit at kailangan nang palitan. Kadalasan ito ay isa din sa mga sanhi ng kulang sa timbang na mga bilihin.

Batay sa regulasyon ukol dito, sa unang beses na mahulihan ang isang tindero o tindera ng madayang timbangan ay bibigyan lamang siya ng babala, subalit sa pangalawang beses ay babawian na ito ng permit sa pagtitinda.

Ang naturang inspeksyon ay isinasagawa dalawang beses sa isang linggo alinsunod sa atas ng Kgg. na Punong Bayan, Martin Raul S. Sison II.

Ayon naman sa pamunuan ng pamilihang bayan sa pamamagitan ni G. Joaquin B. Ferrer, Market Supervisor, magpapatuloy ang mga ganitong operasyon hanggang sa matuto ang mga tindero at tindera na maging maayos sa kanilang pagtitinda at maging tapat sa kanilang mga mamimili lalo na at ang karamihan sa mga ito ay mahihirap na mamamayan ng bayan.

/SGH

70334213_2076547385778382_8398338622071242752_o70286628_2076546245778496_1212644549571117056_o70687792_2076572569109197_2473427934409392128_o70888677_2076546452445142_3075650811087290368_o70173131_2076572669109187_8551764959942410240_o71104401_2076547089111745_7907320390081314816_o70863107_2076546595778461_2273171528000471040_o70790200_2076546585778462_8797523989346910208_o70634683_2076547119111742_5634141629355917312_o

(Photos by: JMCP)