PULONG KAUGNAY NG ANNUAL INVESTMENT PROGRAM FOR 2020, ISINAGAWA Posted on January 29, 2020

Dinaluhan ng dalawampu’t isang (21) Punong Barangay, NGO’s Representative, Engr. Ruben Baysic, MPDC Officer at Coun. Dyna P. De GUzman-Chair Committee on Appropriations ang pagpupulong na pinangunahan ng ating Kgg na Punong Bayan Martin Raul S. Sison II na ginanap sa Conference Hall ng Municipal Hall Building.

Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang Proposed Projects 2020 kung saan nakapaloob ang kaukulang appropriations para sa Development Fund , Gender and Development at Calamity Fund ng bawat barangay. Nilinaw naman ni Ms. Ma. Angelica DG. Ferrer, Municipal Budget Officer ang Budget Preparations at Budgetary Requirement ukol dito.

Isa-isa namang ipinahayag ni Mayor Martin sa mga kapitanis ang mga proyektong binigyan ng prayoridad sa taon 2020. Partikular sa mga ito ay ang mga proyektong impraistruktora katulad ng concreting of roads sa mga piling barangay, pagtatayo ng multi-purpose gym at barangay hall, pagbili ng rescue vehicle na mahalaga sa kahandaan sa panahon ng kalamidad at pagsasaayos ng dumpsite sa Brgy Bayaoas . Nabanggit din sa nasabing pulong ang SPECIAL PURPOSE ALLOTMENT FUND na gagamitin sa maintainance ng street lights para sa lahat ng dalawampu’t isang (21) barangay.

Naging positibo ang nasabing pagpupulong kung saan nabuo ang APPROVAL OF CALENDAR YEAR 2020- ANNUAL INVESTMENT PROGRAM. Ngunit sa kabila nito, humingi ng pang-unawa ang binatang mayor sa ilang mga barangay na hindi napasama sa mga proyekto at sa mga problema na hindi mapagsabay-sabay na matugunan sa loob ng taon 2020. Ito ay dahil sa ilang mga proyektong impraistruktora na kasalukuyang pinaglalaanan ng pundo. Gayun pa man, ang lahat ng mga proyektong nabuo ay totoong para sa bayan at walang halong pulitika.

/SGH

72906292_2126756027424184_5206273216347111424_o - Copy

72199798_2126756317424155_1260372631345954816_o - Copy

72459705_2126756590757461_1992186392309923840_o

72757188_2126759120757208_8824821882357284864_o - Copy

73422577_2126758700757250_1363701091992076288_o - Copy

(Photos by: JMCP)