“PANGMAHABAANG PLANO PARA SA MALINIS AT MAAYOS NA URBIZTONDO” Posted on October 15, 2015

swm planGinanap kahapon (Oktubre 14) ang “Konsultasyon at Oryentasyon para sa Pagbuo ng Ten-Year Solid Wastes Management Plan Para sa Bayan Urbiztondo”. Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng ibat-ibang sektor tulad ng sa edukasyon, pagnenegosyo, civil society groups, transportasyon, kabataaan, nakatatanda at mga opisyales ng Barangay.

Gumawa rin ng presentasyon si Ginoong Edward Vergara (nasa kaliwang larawan) ng DENR-PENRO tungkol sa RA 9003 (o mas kilala sa tawag na “Solid Wastes Management Act of 2000”) samantalang si Ginoong Celso Jucutan (larawan sa kanang ibaba) ay sa mga bahagi at balangkas ng plano at ang mga nilalaman nito.

Ang naturang gawain ay sa pangunguna ng Municipal Solid Wastes Management Board ng Urbiztondo na pinamumunuan ni Kgg. na Mayor Martin Raul S. Sison II.