“PAGSASANAY PARA SA PANGMATAGALANG HANAPBUHAY” Posted on August 15, 2016

13900241_1774912462752201_5498174353249574631_n IMG_9335

Sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Martin Raul S. Sison sa Regional DSWD Office, limampung (50) kabataang Urbiztondonian na nabibilang sa mga mahihirap na pamilya ang sasailalalim sa 35-araw ng pagsasanay sa Computer System Servicing NC II.

Layunin nito na malinang ang kanilang kakayahan upang magkaroon ng pangmatagalang hanapbuhay at makatulong sa kanilang mga pamilya.

Irerekomenda ng LGU Urbiztondo at ng DSWD ang mga ito sa mga kompanya, negosyo at institusyong mangangailangan ng kanilang kakayahan pag natapos na ang kanilang pagsasanay at maipasa ang proseso ng sertipikasyon.