“MOST VALUABLE PLAYER (MVP) OF THE TOURNAMENT”. Posted on December 5, 2016

15241399_1832322087011238_4487883090167399500_n 15252633_1832322070344573_44833365161548024_o

Ginawaran ng parangal (ngayong Dec 2) sa Stadia, Dagupan City bilang “Most Valuable Player” si Hon. Mayor Martin Raul S. Sison II sa katatapos na Inter-District Basketball Tournament na isinagawa ng Philippine Councilors’ League (PCL-Pangasinan Chapter).

Tinanghal na Kampeon ang 2nd District of Pangasinan kung saan nabibilang ang Urbiztondo. Naging kalaban nito ang 1st District of Pangasinan.

Ang mga Mayors, Vice Mayors at Councilors ng mga Bayan at Lungsod ng buong Pangasinan ang kalahok sa naturang palaro.
Ang final match ay ginanap noong Miyerkules, Nob. 30 sa Narciso Ramos Gym, Lingayen.

( Hawak ni Mayor ang Team Trophy sa kanyang kanan at ang kanyang MVP Trophy sa kaliwa).