MGA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SA BUONG BAYAN G URBIZTONDO, SUMAILALIM SA FOGGING OPERATION LABAN SA LAMOK Posted on January 9, 2020

Upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng DENGUE at iba pang sakit na dulot ng lamok, dalawampu’t siyam (29) na pampubliko at pribadong eskwelahan na nasasakupan ng Bayan ng Urbiztondo ay sumailalim sa FOGGING OPERATION.

Ang proyektong ito ay kaloob na sebisyo publiko ng Tanggapan ng 2nd District Congressman, Hon. Jumel Anthony I. Espino, sa inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Urbiztondo na pingungunahan ng ating Kgg na Punong Bayan Martin Raul S. Sison II.

Ito ay karagdagang proteksyun para sa ating mga mag-aaral na madalas kinakapitan ng sakit na DENGUE, dahil sa kanilang murang edad at pagkakalantad sa kapaligiran na maaaring pinamamahayan ng mga lamok na nagdadala ng nsabing sakit.

Panawagan ng binatang alkalde, maging malinis tayo sa ating kapaligiran na dapat ay magsisimula sa bawat tahanan na siyang pinaka-mabisa na paraan sa pagpuksa ng mga lamok.
Sa kasalukuyan, labing walong (18) kaso ng dengue ang naiulat ng Rural Health Unit ng Bayan ng Urbiztondo. Sa kabutihang palad,wala namang naitala na nasawi sa mga ito.

/SGH

70643289_2078224008944053_3714885826136506368_o70366836_2078223572277430_8726868504562630656_o70244699_2078223452277442_7470582178116534272_o70581145_2078223498944104_2456080917983133696_o70355141_2078224132277374_8291146249931849728_o70902712_2078223988944055_4476773034006413312_o71013035_2078223918944062_126877555876691968_o71140195_2078222672277520_8094230623704580096_o70470265_2078222532277534_6039645185581776896_o71520461_2078222572277530_3750495477297053696_o

(Photos by: JMCP)