MGA NAKUMPISKANG “TAMPERED” O MADADAYANG TIMBANGAN AT MAIINGAY NA TAMBUTSO NG MOTORSIKLO, DINUROG SA BAYAN NG URBIZTONDO Posted on January 9, 2020

Gamit ang isang backhoe, isinagawa ang aktuwal na pagdurog sa mga “tampered” o madadayang timbangan na nakumpiska sa pampublikong pamilihang bayan dito sa Urbiztondo. Isinabay din dito ang pamimitpit sa mga maiingay na tambutso ng mga motorsiklo na nakumpiska sa operasyon ng ating kapulisan batay sa ordinansang nagbabawal dito. Ito ay isinagawa ng mga Opisyales ng Bayan pagkatapos ng lingguhang Flag Raising Ceremony na dinaluhan ng mga empleyado ng LGU- Urbiztondo noong Lunes, Setyembre 2, taon kasalukuyan.

Kasunod nito ay ang paggiba rin ng isang “commercial stall” na nasa harap malapit mismo sa gusaling pamahalaan ng bayan. Bukod sa ito’y nasa tapat ng isang pedestrian lane, napakalapit pa nito sa provincial roadline at nagsisilbing “blind spot” sa mga motorista.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Mayor Martin Raul S.Sison II, kasama ang bise alkalde na si Vice Mayor Marilyn “Ate Lai” S. Sison, mga Miyembro ng Sanggunian Bayan at mga Empleyado ng Lokal na Pamahalaan.

Ang pangyayaring ito ay kauna-unahan sa kasaysayan ng Bayan ng Urbiztondo na isinakatuparan upang maipadama sa taumbayan kung gaano ka-seryoso ang administrasyon sa mas pinaigting na pagpapatupad ng mga ordinansa na nagbabawal sa paggamit sa mga nabanggit para sa kaayusan at disiplina ng mga Urbiztondonians.

Bago pa man isinagawa ang pagdurog at paggiba, binigyang diin ni Mayor Sison II na “seryosong-seryoso tayo pagdating sa papatupad ng mga ordinansa, ganun din sa pagtupad sa direktiba ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gawing maluwag ang mga kalsadang pampubliko para sa kapakanan ng taumbayan.”

/SGH

69322110_2055603454539442_8718471087584706560_o 70339525_2055602544539533_3666174377239511040_o 70274406_2054477714652016_4015743573642182656_o 69413708_2054477594652028_8062117277786439680_o 69763599_2054478411318613_8099274010526744576_o 69972840_2054477611318693_189568238558904320_o 69521235_2054477467985374_3566085893892603904_o

 

(Photos by: JMCP)