MGA MIYEMBRO NG 4P’s NAKINABANG SA MEDICAL MISSION Posted on January 29, 2020

Matiyagang pinilahan ng mga kababayang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ang isang medical mission na isinagawa noong Biyernes, Setyembre 27 sa Urbiztondo Multi Purpose Gym and Sports Complex.

Ang medical mission ay kaloob ng Rotary Club of Dau, Rotary Club of Uptown Dagupan at Sogo Group of Hotels kasama ang ilang volunteer doctors at health workers . Naging bahagi din sa pag-aasikaso ng aktibidad ang mga kawani ng Rural Health Unit at Mayor’s Office ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Urbiztondo.

Ilan sa mga serbisyong kaloob ng nasabing medical mission ay ang libreng pagpapacheck-up, mga gamot at bitamina, ganun din ang pamamahagi ng kumot at mga pagkain na labis namang ikinatuwa at ipinagpasalamat ng mga bata at matatanda na siyang karamihan sa mga nakinabang.

Dumating at masayang nakihalubilo sa nasabing aktibidad ang Kgg na Punong Bayan Martin Raul S. Sison II. Sa kanyang maiksing mensahe, personal niyang pinasalamatan sina Mr. Dong Delfin, President ng Rotary Club of Uptown Dagupan, Mr. Emmanuel Martinez, Pres. ng Rotary Club of Dau at Mr. Mariano De Jesus, Jr. ng Sogo Group of Hotels sa kanilang kabutihang-loob na maituturing isang malaking tulong sa mga mamamayan ng Urbiztondo.

Malaking bagay umano para sa mahihirap nating kababayan ang nasabing medical mission lalo na sa mga miyembro ng 4P’s. Hiling ng karamihan sa kanila nawa’y madagdagan pa ang mga ganitong uri ng aktibidad na nagmamalasakit sa mga katulad nilang itinuturing mahihirap na sector ng lipunan.

/SGH

72524917_2104798992953221_3533553896037285888_o

71493385_2104799142953206_97217555407568896_o

72664558_2104799226286531_8793882136252776448_o

71885600_2104799276286526_7747573586927288320_o

71049761_2104799416286512_7683641426768297984_o

71314122_2104800526286401_8727348866589917184_o

72457108_2104800716286382_4935366582193881088_o

72249340_2104800592953061_7963117547174232064_o

71654043_2104799696286484_5187446068291305472_o

71577296_2104799526286501_3681708028408627200_o

71751171_2104799962953124_8205708806269698048_o

71208240_2104799999619787_7186191794785222656_o

(Photos by: JMCP)