MGA KAWANI NG DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY-FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSITITUTE (DSOT-FNRI) NAGSAGAWA NG SURVEY SA DALAWANG (2) BARANGAY NG URBIZTONDO Posted on January 9, 2020

Ang mga kawani ng DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY-FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSTITUTE (DOST-FNRI) ay malugod na tinaggap ng Tanggapan ng Punong Bayan ng Lokal na Pamahalaan ng Urbiztondo sa pamamagitan ni Dr. Romulo M. Velasquez, Municipal Administrator.

Sila ay nagsagawa ng EXPANDED NATIONAL NUTRITION SURVEY (ENNS) sa mga piling tahanan ng Barangay Sawat at Barangay Balangay. Bahagi ng kanilang survey ay ang anthropometry, biochemical, clinical, dietary, socio-economic, food insecurity, government programs participation, infant and young child feeding and maternal health and nutrition.

Ang EXPANDED NATIONAL NUTRITION SURVEY (ENNS) ay naglalayon na makapagbigay ng impormasyon at datos sa ilang mga probinsya at mga urbanisadong lungsod na siyang mahalagang sangkap sa mga pag-aaral sa nutrisyon.

70765335_2088692647897189_4901205451703582720_o 71534021_2088692637897190_4140735660350767104_o 70765335_2088692647897189_4901205451703582720_o 70505276_2088693091230478_8006877663283118080_o

 

(Photos by: JMCP)