“MGA KABATAAN SA IBA’T IBANG BARANGAY, SUMASAILALIM SA PANGKABUHAYANG PAGSASANAY”. Posted on January 29, 2016

traineesHalos limampong kabataan galing sa iba’t ibang Barangay ng Urbiztondo ang ilang araw nang sumasailalim sa pagsasanay sa larangan ng Electronics Technology.

Ang pagsasanay na ito ay itinataguyod ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Hon. Mayor Martin Raul S. Sison II, sa pakikipagtulungan ng National College of Science and Technology sa Dasmariñas Cavite. Ang unang yuto ng pagsasanay ay dito na ginaganap sa ABC Conference Hall. Ang sususnod na yugto ay sa lugar ng naturang Kolehiyo.

Mahigpit na ipinaalala ni Mayor Martin Raul S. Sison II na magpakita ang mga nagsasanay ng ibayong katapan sa trabaho. Binigyan din diin ng binatang Alkalde ang kakayahang kanilang maaangkin at malilinang ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kanilang pamilya.
(Kuhalang larawan ni Prince Carl C. Rosario)