MGA GUMAGAWA NG BILAO AT ABACA ROPE NAPAGKALOOBAN NG TULONG PINANSIYAL Posted on February 10, 2020

Maagang pamasko ang masayang tinanggap na tulong-pinansiyal ng ating mga kababayag gumagawa ng mga Bilao at Abaca sa Barangay Pisuac sa isang simpleng seremonya na ginanap sa tanggapan ng Municipal Social Welfare Development Office, Municipal Hall Building noong Huwebes, Oktubre 24 taon kasalukuyan.

Ang pamamahagi ng nasabing tulong-pinansiyal ay pinangunahan ng mga kawani ng DSWD Regional Office I at MSWDO- Urbiztondo na sina Mdme. Evelyn Rimando, DSWD-SLP Provincial Coordinator, Mdme. Mercedes R. Bigay, MSWD Officer kasama si Dr. Romulo M. Velasquez, Municipal Administrator bilang kinatawan ng Kgg. na Punong Bayan Martin Raul Sison II.

Buong pusong tinanggap at nagpasalamat ang apatnapu’t anim (46) na benipisyaryo sa anim na raan siyamnapung libong piso (P690,000.00) kabuuang halaga na dagdag puhunan.

Ayon sa kanila, malaking tulong ito para sa kanilang paggawa ng bilao at Abaca rope na kanilang tanging pinagkakakitaan.

Ang nasabing tulong pinansiyal ay isa sa mga Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng kanilang Regional Office.

Ito ay ipinagkakaloob sa mga marginalized households and communities (mga listado sa LISTAHANAN at Kasapi ng 4P’s) upang mapaunlad ang kanilang pangkabuhayan tungo sa maayos na pamumuhay.

Para sa mga nagnanais na sumangguni ukol sa DSWD-Sustainable Livelihood Project, maaari lamang pong tunguhin ang kanilang tanggapan sa Panatawid Pamilya Office sa Urbiztondo Municipal Hall Building.

/SGH (Photos by:JMCP)

74305685_2154430837990036_6182262276179886080_o (1)

75492517_2154238671342586_4751368860383313920_o (1)

74938769_2154238524675934_3121198449635098624_o (1)

75564658_2154238351342618_1207296387574661120_o (1)

73319173_2154238181342635_6383501006033911808_o