“MALINIS AT MAAYOS NA HALALAN, PANALO NG BUONG BAYAN! Posted on May 11, 2016

13102816_1741388429437938_1172400985249305278_n 13133400_1741388406104607_6361865718407313295_n 13164318_1741388426104605_6433532801243617048_n

Matagumpay na naiproklama ng Municipal Board of Canvassers ng Urbiztondo ang mga nagsipagwaging kandidato sa katatapos na halalan.

Ito ay pinangunahan ni Hon. Martin Raul S. Sison II bilang Mayor (nakasuot ng kumbinasyon ng asul at puting shirt) at ng kanyang mismong Ina na si Mdm. Marilyn S. Sison (pangatlo mula kay Mayor Sison II) bilang Vice Mayor.
Sina Konsehal Zenaida Espinosa (pangalawa mula sa kanan), Konsehal Dyna De Guzman (katabi nito), Konsehal Vicente Frias (sa bandang kanan ni Mayor Sison II ) at si Konsehal Brandy Palisoc (katabi ni Kon. Frias).

Sina Kon. Edwin Tamondong, Kon. Danilo Tamondong , Kon. Pepito Calugay at Kon. Volter Balolong ay dumating pagkatapos ng kaganapan na ito subalit nakarating din sila at tuluyan din silang naiproklama.
Ang Municipal Board of Canvassers ay binuo nina Gng.. Rizalina Estrellas, Election Officer bilang Chair, (nasa gitna), Dr. Romulo M. Velasquez bilang Vice Chair (nasa una mula kaliwa) at si Dr. Longino Ferrer, Public Schools Supervisor bilang Miyembro (nasa una mula sa kanan).