Libreng Zumba, handog ni Mayor Martin Raul S. Sison II Posted on February 10, 2015

Para sa ikalulusog ng mga Urbiztondonians

Libreng Zumba, handog ni Mayor Martin Raul S. Sison II

Malugod na inihahandog ni Mayor Martin Raul S. Sison II sa lahat ng kanyang mga Kababayan angUS_Army_52862_Zumba_adds_Latin_dance_to_fitness_routine libreng ZUMBA Fitness Dance Exercise tuwing Sabado, sa ganap na ika-6:30 hanggang 8:30 ng umaga simula Pebrero 14, 2015 sa Plaza De Urbiztondo.

Layunin ng naturang dance exercise na pasiglahin ang mga Kababayan ni Mayor Sison II lalo na yong mga nagnanais na magbawas ng timbang o kaya’y yaong mga nagnanais na magkaroon ng mas masiglang pangangatawan at– magkaroon pa ng maraming Kaibigan.

Kaugnay nito, may mga bihasang inanyayahan si Mayor Sison II na mangunguna sa nasabing Dance Exercise upang mas ganahan ang mga kalahok.

Samantala, ang Zumba na kinatatampukan ng mga elemento ng sayaw at aerobics, ay nilikha ni Alberto “Beto” Perez, isang Colombian dancer-choreographer noong dekada 1990. Ang mga hakbang nito ay ang mga pinaghalong dance steps ng hip-hop, salsa, soca, samba, meringue, mambo, chachacha at iba pa.

Dahil sa pag-asang tatangkilikin ito ng kanyang mga Kababayan, masayang inaanyayahan ni Mayor Sison II ang lahat ng interesado na sumali dito.(RMV).