“LIBRENG ZUMBA, DINAGSA” Posted on February 14, 2015

zumba1

Dinagsa noong Sabado, Pebrero 14, 2015 (Araw ng mga Puso) sa Bayan ng Urbiztondo ang kauna-unahang Libreng Zumba na ipinagkaloob ni Mayor Martin Raul S. Sison II sa lahat ng kanyang mga Kababayan kasama na ang mga Empleyado ng Lokal na Pamahalaan. Maliban lang sa ilang minutong “water break”, itinuloy-tuloy ng mga Zumba Lead Dancers ang pamumuno sa dalawang oras na pampalusog at pampakondisyon na gawain.

Bilang modelo ng malusog na pangangatawan, pinangunahan ang naturang gawain ni Mayor Martin Raul S. Sison II
(Text by: RMV)