LGU- URBIZTONDO: LAKBAY PANGKALIKASAN THE 2ND TIME AROUND! Posted on October 11, 2020
120948350_2963106643789114_960697052942456095_o 120914321_2963113787121733_8882559246509080426_o 121002781_2963113123788466_504475586233040216_o 121098619_2963113880455057_3774246899722245225_o 120926734_2963119803787798_8633968617059129433_o 120972054_2963120087121103_2191142930856852111_o 120973367_2963112523788526_517585962264589814_o 120998174_2963119347121177_3873381250548128075_o 121034921_2963118330454612_2291301763406847402_o 121083100_2963111040455341_4085019470395110923_o 121111069_2963118427121269_1702909438923946729_o 121119788_2963108097122302_6270555995129377205_o 121149406_2963124037120708_6162480692831775207_o 121216514_2963112623788516_5784679076638340736_o 121230537_2963113287121783_2251678181040783806_o 121447576_2963108850455560_1057994154645198037_oUpang mas lalo pang mapatibay ang pagnanais na maipagtagumpay ang proyektong pangkalikasan na OPERATION M.A.R.T.I.N. at MAKABAYAN ng Lokal na Pamahalan ng Bayan ng Urbiztondo, muling isinagawa ang “LAKBAY PANGKALIKASAN”- Moments with Nature. Sa pagkakataong ito ay ginanap naman sa Daang Katutubo, Sitio Mapita, Brgy. Laoag, Aguilar, Pangasinan nito lamang Biyernes, Oktubre 9, 2020.
Muling pinangunahan ng ever dynamic Mayor Martin Raul S. Sison II ang kanyang mga Department Heads, PNP at BFP- Urbiztondo, at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan Council sa nasabing aktibidad na nagsimula sa isang mahabang paglalabakbay sa isa pang kabigha-bighani at tanyag na Daang katutubo ng Bayan ng Aguilar dito sa Lalawigan Pangasinan.
Bilang bahagi ng programa ay ang pagtatanim ng iba’t ibang punong kahoy, fruit bearing trees katulad ng langka, Mangga, Mahogany, at Gimilena sa isang bahagi ng view deck na inaasahan na magsisilbing silongan ng mga namamasyal dito, higit sa lahat mag-iiwan ng pamana sa mga katutubo na nakatira sa lugar na ito pagdating ng panahon mula sa maka-kalikasang mamamayan ng bayan ng Urbiztondo.
Dinalaw at ginalugad din ng grupo ang ekta-ekataryang Bamboo Plantation na siyang nagbigay ng inspirasyon sa pinuno ng bayan upang simulan ang proyektong pagtatayo ng Nursery sa Bayan ng Urbiztondo na magsisimula sa pagpapalago ng mga puno ng Kawayan. Lalo pa itong nakapagdulot ng pananabik nang malaman na ang isang uri ng kawayan na pinapalago sa nasabing plantation ay nagmula pa sa Brgy Sawat na nasasakupan ng bayan.
Lubos na nagpapasalamat ang LGU-Urbiztondo kay Aguilar Municipal Mayor Hon. Roldan C. Sagles at ang kanilang MDRRMO Team, Brgy Laoag Officials, Bayambang Municipal Mayor Hon. Cesar T. Qiuambao sa pamamagitan ng mga tauhan ng CS First Green Agro-Industrial Development Inc. lalo na kay Mr. Rolando Anchiboy, Bamboo Nursery Supervisor sa hindi matatawarang pagtanggap at paggabay sa buong panahon ng pamamasyal at pag-iikot.
Sa Daang Katutubo, tunay nga naman…
”Time Spent Among Trees is Never Time Wasted”!