LGU NG URBIZTONDO, MULING SUMAILALIM SA “VALIDATION” PARA SA AWARD NG DILG Posted on January 9, 2020

Sa pangatlong pagkakataon, muling sumailalim ang LGU ng URBIZTONDO sa pagsusuri para sa taunang Seal of Good Governance Award sa pangunguna ng ating Kgg. na Punong Bayan Martin Raul S. Sison at ng lahat ng Department/Unit Heads. Mainit na tinaggap bilang panauhin ang dalawang (2) kawani ng DILG na nagmula pa sa Region 9 upang magsagawa ng “validation”.

Ang validation ay ang pagsusuri ng mga mahahalagang dokumento na may kaugnayan sa Financial Administration, Disaster Preparedness, Social and Environmental Protection, Peace and Order, at Culture and Arts. Siniyasat ang mga pangunahing pasilidad at kagamitan katulad ng MRF, Evacuation Center, tanggapan ng LDRRMO at iba pa.

Nagpahayag ng kumpiyansa ang binatang mayor ukol sa magiging resulta dahil ginawa naman ang lahat ng makakaya ng kaniyang administrasyon upang maging maayos ang pamamalakad ng bawat departamento sa serbisyong inaasahan ng mga mamamayan ng Urbiztondo.

Hangad ng Lokal na Pamahalaan na masungkit ang pangatlong award (Seal of Good Governance), pinakamataas at pinaka prestihiyosong parangal na iginagawad ng DILG bilang simbolo ng kahusayan ng pamamahala ng Lokal na Pamahalaan upang mapatunayan ang tapat nilang hangarin na maglingkod sa bayan.

/SGH

67911306_2021072011325920_6812981500657532928_o69260929_2021066244659830_190475412961230848_o68334522_2021051721327949_3186261113905872896_o67903645_2021062721326849_948392056709971968_o68807529_2021063261326795_3771853297393074176_o67906138_2021062977993490_5782435640222154752_o68574399_2021062794660175_1661169861193105408_o69000082_2021062677993520_7467067095277109248_o68669971_2021061147993673_5615687138432516096_o67967398_2021061247993663_7974978919700889600_o68406495_2021061167993671_7031247529572302848_o68653244_2021061067993681_2373677087031558144_o67869156_2021061001327021_1239842408498200576_o68716656_2021067797993008_1190927768993398784_o67969088_2021060994660355_7731637467257765888_o

(Photos by: JMCP)