INIREREKLAMONG POULTRY FARM, IPINASARA NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG BAYAN NG URBIZTONDO Posted on November 22, 2019

Matapos ang masusing pagsisiyasat na ginawa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Urbiztondo, tuluyan
ng ipinasara ang VDB Poultry Farm sa Brgy. Camanbugan.

Ang pagpapasara ay personal na pinangunahan ng ating Kgg. na Punong Bayan Martin Raul S. Sison II, kasama ang mga
tauhan ng Environmental Monitoring and Enforcement Division ng DENR, Regional Office I, Municipal Health Officer,
Dra. Catherine Licaunan at mga tauhan ng Urbiztondo Police Station.

Sa pahayag ni Mayor Sison II, sinabi niyang tinugunan lamang niya ang matagal nang hinaing ng mga taumbayan tungkol sa mabaho
at mapeste na kapaligiran nila partikular na sa Brgy. Camanbugan na nakakasakop dito.

Ginawang basehan ng pagpapasara ang isang petisyon na inihain ng mga residente ng Brgy. Camanbugan na nilagdaan ng dalawang daang katao, at ang
dalawang Sanitary Orders na nabigong isagawa ng may-ari nito sa kabila ng sapat na panahon na ibinigay ng Lokal na Pamahalaan.

Nakasaad sa petisyon, ang mahabang panahon nang pagtitiis sa masidhing amoy ng dumi ng mga manok na naging sanhi ng pagdami ng mga peste katulad ng LANGAW at BANGAW
na labis na nakakapinsala at nagdudulot ng mga pagkakasakit ng mga bata maging ng mga matatanda.

Emosyonal naman na nagpasalamat ang mga residente sa nasabing Barangay sa hakbang ng lokal na pamahalaan na maipasara ang nasabing Poultry Farm.

/SGH

.32IMG_0426_245

(photos by: JMCP)