ILANG KABABAYANG PWD, SUMAILALIM SA LIBRENG LIVELIHOOD SEMINAR Posted on November 22, 2019

Itinuro sa ating mga kababayan na PWD ang paggawa ng “Diswashing Liquid” na may kasabay na iba’t-ibang programa at palaro na nagdulot ng galak at saya sa mga ito.

Sa pakikipagdayalogo ng ating Kgg. na PUNONG BAYAN MARTIN RAUL S. SISON II, siya ay nagpahayag ng simpatiya at paghanga sa ating mga kababayan na PWD sa ipinapamalas nilang
katatagan at katapangan sa kanilang pamumuhay sa kabila ng kapansanan. Kasabay nito ay ang pangako na pagsasaayos ng pundo ng MSWDO upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Naging panauhin din sa nasabing gawain at nagbigay ng kaniyang mensahe ang ating butihing VICE MAYOR MARILYN “ATE LAI” S. SISON.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng 41ST NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION (NDRP) sa pagsisikap ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Lokal ng Pamahalaan ng Urbiztondo.

/SGH

 

5 1 2A 3 67609100_2389607594616015_8728189361624973312_o

(photos by: JMCP)