ILANG KABABAYANG MAY KAPANSANAN NAPAGKALOOBAN NG LIBRENG WHEELCHAIR Posted on January 29, 2020

Personal na ipinagkaloob ng ating Kgg na Punong Bayan Martin Raul S. Sison II ang siyam (9) na wheel chair sa mga kababayan nating may kapansanan sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Ground Floor Lobby ng Municipal Building kahapon, Oktubre 15, 2019.

Ang proyektong ito ay libreng kaloob sa lokal na pamahalaan ng Urbiztondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagsisikap ng ating punong bayan katuwang ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ang siyam na mapalad na nakatanggap ng maagang pamasko na ito ay mula sa mga Barangay ng Galarin, Pisuac, Dalanguiring, Salavante, Pasibe West, Bayaoas, Malibong, Real at Camanbugan. Anim (6) sa kanila ay mga dinapuan ng sakit na Polio, na sa murang edad pa lamang ay naigupo na ng sakit na ito sa banig ng karamdaman. Tatlo (3 ) naman sa kanila ang mga matatanda, na ayon kay Mdm. Mercedes Bigay, MSWD Officer ay walang duda ang kanilang pagiging karapat-dapat na mga benipesyaryo ng nasabing proyekto.

Nagpahayag ng pasasalamat ang binatang mayor sa mga tao na nasa likod ng proyektong ito lalo na sa PAGCOR at binigyang diin niya na napakalaking tulong para sa ating mga kababayan na walang kakayahan sa pagbili nito lalo at hindi biro ang halaga ng mga nasabing wheel chair.

Para sa iba pa nating mga kababayan na may kapansanan, lalo pa umanong pagsisikapan ng lokal na pamahalaan na makakalap ng pundo para sa karagdagang wheel chair nang sila man ay mapagkalooban at makinabang.

/Scarlyn Garde Hermogeno (photos by: James MC Poyaoan)

73388469_2130553160377804_6830621682961481728_o

72543527_2130553237044463_1795735477249114112_o

72275121_2130554013711052_172097638743670784_o

73228712_2130553853711068_5979562492941041664_o

72611080_2130558113710642_6490241702232588288_o

72683905_2130554883710965_2369217996150276096_o

72319961_2130554607044326_2943286481734598656_o

73039928_2130554837044303_7650109959958429696_o