FIBER OPTIC INTERNET ACCESS NG CONVERGE ICT SOLUTIONS INC. NASA URBIZTONDO NA Posted on January 29, 2020

Bilang tugon sa kahilingan ng marami nating kababayan na nangangailangan ng mas maayos, mabilis at abot-kayang internet connection, ang Lokal na Pamahalaan at Sangguniang Bayan ng Urbiztondo, sa pagsisikap ng ating Kgg. na Punong Bayan Martin Raul S. Sison II ay nagbigay pahintulot sa CONVERGE ICT SOLUTIONS INC. upang pagsilbihan ang mga Urbiztondonian.

Ang CONVERGE ICT SOLUTIONS INC. Ay isang world-class na kompanya sa larangan ng information and communications technology (ICT). Ito ay kabilang sa mga mabilis na lumalagong “pure end-to-end fiber internet network” at iba pang “digital consumer-centric” services provider ngayon sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, ito ay isa sa mga major provider ng telecommunications at cable television services sa Pilipinas sa pamamagitan ng “Fiber Optic Cable Internet Access”, isang makabago at mataas na uri ng serbisyo sa larangan ng data networking at telecommunications.

Ilan sa mga siniserbisyuhan nila ay ang Metro Manila, mga probinsya ng Pampanga , Bulacan at Cavite at patuloy pa sa pagpapalawak ng kanilang serbisyo sa iba’t’ ibang bahagi ng Pilipinas kasama na ang Northern Luzon partikular na dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sinisikap ng serbisyo nito na maipaabot ang internet connection hanggang sa mga liblib na lugar na nasasakupan ng bayan. Layunin nito na ang lahat ng ating mga kababayan ay makinabang sa mga kaalaman at kaginhawaan sa pakikipag-ugnayan dulot ng makabagong teknolohiya.

Bahagi ng pagbibigay serbisyo ng Converge ICT Solutions Inc. sa mga taga-Urbiztondo ay ang pagkakaroon ng libreng internet connection sa Public Plaza at sa lugar ng Pamilihang Bayan. Ito ay para sa kapakinabangan ng mga namamasyal dito, ganun din ng mga estudyante na walang kakayahan sa pagkakaroon ng koneksyon sa kanilang mga tahanan para sa paggawa ng kanilang mga takdang-aralin sa paaralan.

Para sa mga nagnanais ng kanilang serbisyo, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa kanilang mga kawani na sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng pagdalaw sa mga barangay ng ating bayan.

/SGH

70667950_2092348810864906_4416376366371438592_o

70749787_2092348600864927_2602216922531495936_o

71102736_2092350964198024_2333557260648710144_n

71207689_2092348130864974_908433416154775552_o

71341054_2092350970864690_1735950034999967744_n

(Photos by: JMCP)