“ESPESYAL NA PROGRAMANG PANGTRABAHO PARA SA MGA ESTUDYANTE”. Posted on May 6, 2016

20160418_152911 20160418_153012 20160418_161755

Upang mas kapaki-pakinabang ang summer vacation 2016 ng mga ito, may, 70 na estudyanteng Urbiztondonian sa mataas na paaralan at kolehiyo ang pumasa sa screening upang maging benepesaryo (o recipients) ng Special Program for the Employment of Students o (SPES).

Ang Programang ito ay tatagal ng isang buwan kung saan ang mga estudyante ay magkakaroon ng karanasan sa aktwal na pagtatrabaho sa iba’t ibang Opisina at Sangay ng Pamahalaang Lokal ng Urbiztondo, mula Mayo 11 hanggang Hunyo 7, 2016.

Ang umiiral na minimum wage na tatanggapin ng mga ito ay magkatuwang na babalikatin ng Lokal na Pamahalaan ng Urbiztondo (60%) at ng Department of Labor of Employment DOLE (40%).

Sa rekomendasyon ni Gng. Benigna A. Ramos, PESO Manager ng Urbiztondo, kagya’t na inaprobahan ni Kgg. na Alkalde Martin Raul S. Sison II ang naturang panukala ng DOLE-Alaminos City para sa kapakanan ng kanyang mga kababayang Estudyante at Kabataan.