MAYOR SISON II, SINIYASAT ANG KALAGAYAN SA PUBLIC MARKET Posted on January 9, 2020

 

Bilang bahagi ng “information dissemination” kaugnay ng napipintong pagpapatupad ng mga regulasyon na nakasaad sa PATAKARAN sa TAONG 2020 sa PAMILIHANG BAYAN NG URBIZTONDO, personal na inikot ng ating KGG NA PUNONG BAYAN MARTIN RAUL S. SISON II ang kabuuan at kalagayan ng pamilihang bayan.

Isa-isa niyang pinuntahan ang mga pwesto at kinausap ang mga nagtitinda ukol sa espasyo na dapat lamang nilang sakupin. Binigyan din niya ng pagkakataon ang mga apektadong tindero’t tindera na maglabas ng kanilang saloobin at magiliw na pinaliwanagan ang bawat isa.

Tumanggap din ng tagubilin mula sa Alkalde sina Municipal Engr. Norberto C. Cancino, Engr. Ruben A. Baysic, MPDC at si G. Joaquin B. Ferrer, Market Administrator tungkol
sa mga nais niyang mangyari at ipatutupad lalo na sa pagsasaayos ng mga “drainage”, kalinisan, kaayusan at inprastruktura.

Ayon sa Alkalde, isang malaking pagbabago ang magaganap sa Pamilihang Bayan ng Urbiztondo sa pagpasok ng taon 2020 at sinisigurado niya na higit na pakikinabangan ng mga tindero’t tindera at ng mga mamimili.

/SGH

 

67961486_2008964802536641_2522345722125221888_o 68535888_2008964615869993_7717091310674378752_o 68568198_2008964639203324_4754559256580063232_o 68584457_2008964719203316_1965618020969611264_o 67768491_2008964269203361_7395988543329271808_o 68368792_2008964949203293_3949361388043894784_o

(Photos by: JMCP)