CHILD DEVELOPMENT WORKERS NG BAYAN NG URBIZTONDO, SUMAILALIM SA ORIENTATION AT TRAININGS Posted on January 9, 2020

Sa pagsisikap ng Municipal Social Work and Development Office ng Urbiztondo, sumailalim ang mga guro ng Early Childhood Care and Development sa isang Orientation at Training sa EARLY CHILDHOOD YEARS ACT AND NATIONAL LEARNING FRAMEWORK na pinangunahan ni Mdm. Myrna Celeste, Focal Person ng ECCD ng Provincial Social Work and Development Office, Lingayen, Pangasinan.

Nakapoloob sa dalawang (2) araw na orientation at training ang iba’t-ibang aktibidad, ngunit ang pinakamahalaga dito ay ang mabigyan ng sapat at angkop na kaalaman,
pamamaraan ng pagpapahalaga sa mga kabataan edad zero (0) hanggang (4) maging sa mga magulang ng mga ito.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumailalim ang mga guro sa ganitong uri ng orientation at training simula pa nang magsimula ang ilan sa kanila sa pagtuturo dalawampung (20) taon na ang nakalilipas. Ayon ka Mrs. Mercedes R. Bigay, MSWD Officer, malaking ambag sa pagpapabuti ng kasanayan ng ating mga guro ang kagaya nitong orientation at training dahil sa ang kanilang mga estudyante ay nasa mahalagang yugto ng kanilang pag-unlad bago pa man sila sumapit sa pormal na edukasyon.

Dinaluhan nina KGG. PUNONG BAYAN MARTIN RAUL S. SISON II at ng kanyang ina na si KGG. BISE-ALKALDE MARILYN “ATE LAI” S. SISON ang aktibidad at nagbigay ng mensahe ng pasasalamat sa ginagawang sakripisyo ng mga guro para sa kanilang mga estudyante sa mga barangay na higit na nangangailangan ng kanilang serbisyo.

/SGH

68241441_2021041957995592_6923649824189317120_o68519372_2021039957995792_1694298803667992576_o68342995_2021039944662460_1116729563255144448_o67920770_2021039757995812_6220204756007124992_o67897508_2021039511329170_2299845022960320512_o68884203_2021039821329139_3259830476302450688_o

(Photos by: JMCP)