BIRTHING HOME SA URBIZTONDO, PINASINAYAAN NA Posted on January 29, 2020

Pormal nang binuksan ang birthing home o paanakan sa bayan ng Urbiztondo sa pamamagitan ng ribbon cutting na pinangunahan ng Kgg na Punong Bayan Martin Raul S. Sison II. noong Miyerkules, Setyembre 24, 2019.

Sinaksihan din ng mga kawani ng Rural Health Unit ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Urbiztondo ang nasabing aktibidad na sinundan ng pagbabasbas ni Fr. Vishnu B. Valdez ng St Vincent Ferrer Parish, Bayambang Pangasinan.

Kompleto sa makabago at malinis na kagamitan ang bagong itinayong pasilidad. May limang (5) fully-airconditioned na mga kwarto bilang consultation room, recovery room, delivery room, breastfeeding/newborn screening room at sterile area. Ito ay Philhealth accredited at may mga kaukulang sertipikasyon mula sa Department of Health ukol sa operasyon nito.

Bukas ang nasabing paanakan ng bente kwatro oras (24hrs) na pagsisilbihan ng labing-isang (11) well-trained midwives ng RHU sa pangangasiwa ni Dra. Catherine B. Licuanan, Municipal Health Officer.

Buong pagmamalaki naman na ipinahayag ng binatang mayor ang suporta at paghanga sa mga taong nasa likod ng tagumpay ng proyektong ito. Malaking kaginhawaan umano sa mga nanganganak kada buwan, kung saan ang karamihan sa kanila ay itinatakbo pa sa karatig bayan ng Mangatarem at San Carlos.

/SGH

69437350_2097774693655651_1730025454032650240_o

70173592_2097774936988960_7988937327189688320_o

70836198_2097785036987950_3507254806261530624_o

70915855_2097758206990633_6299794309637996544_o

70932737_2097766060323181_7338679437489078272_o

70966276_2097774880322299_7936487212340740096_o

71053766_2097767300323057_6454111397956550656_o

71054562_2097766790323108_1769007221456240640_o

71072427_2097765576989896_6773915779508207616_o

71074039_2097765600323227_4395698508317851648_o

71119905_2097760250323762_5949333718542843904_o

71149930_2097767340323053_8755533391174041600_o

71219107_2097764786989975_2532727048921677824_o

71494906_2097758980323889_5689073810100191232_o

71685789_2097766043656516_7521154155306549248_o

71761678_2097764886989965_847296798669144064_o

71789704_2097766740323113_4405264560127213568_o

71796308_2097786346987819_5441729787439611904_o

71943229_2097765636989890_8543852977348149248_o

(Photos by JMCP/Sir Jomar Sison)