APLIKASYON NG BAGONG TEKNOLOHIYA SA PAMUMUNO Posted on February 26, 2015

forum tarp (3x6ft)

Lokal na pamahalaan ng Urbiztondo, gagamit na rin ng “biometrics technology” sa daily time recording ng mga empleyado

Simula sa unang araw ng opisina sa Marso 2015, gagamitin na ng mga regular na empleyado ng Bayang ito ang bagong work-time recording scheme nila.

Sa tulong ng teknolohiyang “biometrics”, gagamit ng finger prints at bar code scanner ang bawat empleyado upang awtomatikong itala ang oras ng kanilang pagdating at pag-alis sa kanilang mga lugar ng trabaho. Makikita rin ang mukha ng bawat empleyadong gagamit nito sa computer monitor na itatalaga.

Bago tuluyang ipatupad ang naturang patakaran, sasailalim muna sa isang “Work Re-orientation Forum With Emphasis on RA 6713 and Other Civil Service Updates” ang lahat ng mga empleyado sa Biyernes, ika-27 ng Pebrero 2015 sa ganap na ikalawa ng hapon sa Municipal Hall Lobby. Magiging Forum Resource Speaker si Mdm. Lyrma C. Oalin, Direktor II ng Civil Service Commission Field Office, Lingayen, Pangasinan.

Magkakaroon din ng panibagong Identification Cards (ID) ang lahat ng mga empleyado kaugnay ng bagong patakaran dahil dito nakatatak ang “bar code” na sasailalim sa scanner.

Naniniwala si Hon. Mayor Martin Raul S. Sison II na napapanahon ang hakbang na ito upang mas maiangat pang lalo ang antas ng paglilingkod ng mga empleyadong lokal sa kanilang mga Kababayan at mga kliyente ng ibat-ibang serbisyo. Ito rin aniya ay isang mabisang paraan upang maiwasan ang posibilidad ng mga di kanais-nais na kagawian sa pagtala ng takdang oras ng pagdating sa lugar ng trabaho at ang paglisan mula dito.

Ang dating ginagamit na “Bundy Clock” ng mga regular na empleyado ang gagamitin naman ng mga empleyadong “contractual at on-job-order” ang appointment. (RMV).