“AKSYON KONTRA ILIGAL NA DROGA, KINILALA” Posted on August 15, 2016

IMG_9530
Kinilala kamakailan ng Lokal na Pamahalaan ng Urbiztondo sa inisiyatibo ng Sangguniang Bayan, Committee on Peace and Order sa pamamagitan ng Chair nito na si Coun Brandy M. Palisoc ang Urbiztondo Police Station sa pamumuno ni PCI Joshua T. Maximo sa kanilang matagumpay na aksiyon kontra sa mga nagtutulak ng iligal na droga.

Dahil sa kanilang tagumpay, naaresto at nasampahan ng kaukulang demanda/ kaso ang mga pinaghinalaan;

Tinanggap ng PNP Urbiztondo ang “Plake ng Komendasyon” na iginawad nina Kgg na Alkalde Martin Raul S. Sison II, ni Kgg na Bise Alkalde Marilyn S. Sison at ng iba pang Miyembro ng Sangguniang Bayan.