“Solid Waste Processing Agreement Nilagdaan Na” Posted on February 19, 2018

28058420_2045042005739244_866580401392580923_n27973321_2045041945739250_8467153424171131644_n

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nilagdaan nina Hon. Martin Raul S. Sison II, Municipal Mayor (pangalawang nakaupo mula sa kaliwa) at Ginoong, Luizo C. Ticman, (nakaupo mula sa kanan), ang isang kasunduan sa Solid Waste Processing noong Pebrero 13, 2018.

Ang naturang kasunduan ay kaugnay sa pagkakaroon ng isang permanenteng kalutasan sa suliranin sa basura ng ating bayan tungo sa maayos at malinis na kapaligiran. Nakatayo sa pagitan ng dalawa si Municipal Administrator Romulo M. Velasquez at si Ginoong Soc. Abella (unang nakaupo sa kaliwa) bilang mga saksi sa naturang paglagda.

Ipinakita ng apat ang pirmadong kopya ng kasunduan.