“SANGAY NG PHILIPPINE RED CROSS (PRC), IPATATAYO SA LUNGSOD NG SAN CARLOS”. Posted on February 17, 2017

 16806854_996026100497188_4649964451279065685_n
Pinangunahan ngayong umaga (Pebrero 17) nina San Carlos City Mayor Joseres Resuello (nakasuot ng hard hat at asul na T-Shirt) at dating Congresswoman Rachel Arenas (nasa gitna at nakasuot ng hard hat at puting T-shirt) ng 3rd District ng Pangasinan (na ngayo’y PRC Board Governor at MTCRB Chairperson) ang isang Ground Breaking Ceremony para sa isang sangay ng PRC sa San Carlos City.
Mas malapit na sa mga Kababayan ang pagkukunan nila ng supply ng dugo sa kanilang pasyenteng mangangailangan nito sa halip na sa Dagupan City pa ang kanilang pupuntahan.
Inanyayahan din ang mga Municipal Mayors sa karatig na Bayan sa naturang seremonya.
Naging kinatawan ni Hon. Mayor Martin Raul S. Sison II si Dr. Romulo M. Velasquez, ang Municipal Administrator ng LGU Urbiztondo (nakasuot ng hard hat na nasa tabi ni PRC Gov. Arenas).

16730099_996026087163856_2695867998357480514_n

Bilang kinatawan ni Mayor Martin Raul S. Sison II, inilalapat ni Dr. Romulo M. Velasquez, Municipal Administrator ng Urbiztondo, and kanyang lagda sa plano ng gusali (na ilalagay sa time capsule nito) ng ipatatayong Phil Red Cross Branch sa lungsod ng San Carlos habang nakamasid sa bandang kanan si City Mayor Joseres Resuello.