SA NGALAN NG MAHUSAY NA PAMAMAHALA. Posted on June 13, 2017

1

Muling sumailalim kamakailan lamang (Hunyo 13, 2017) ang Pamahalaang Lokal ng Urbiztondo sa isang proseso ng balidasyon (validation process—nakalarawan sa ibaba) kaugnay ng patimpalak sa “SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE” (O “SGLG”) Award na isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa buong bansa.

Kinilatis ng Validation Team ang kahusayan ng Pamahalaang Lokal ng Urbiztondo sa larangan ng Financial Management, Environmental Protection, Disaster Preparedness, Peace and Order, Culture and Tourism Enhancement.

Napagkalooban na ang Bayan ng Urbiztondo ng naturang parangal noong nakalipas na taon (post-compliance category).

Nasa itaas na larawan ang mga kasapi ng Regional Validation Team ( pangatlo, pang-apat at panglima sa larawan mula sa kanan) kasama si Kgg. na Alkalde Martin Raul S. Sison II (nakaupo) at mga Department Heads ng LGU-Urbiztondo.