“PWERSA NG TRAKTORA PARA SA MGA MAGSASAKA”. Posted on November 3, 2017

IMG_3661 IMG_3685 IMG_3686

Pormal na isinalin ni Hon. Mayor Martin Raul S. Sison II (nakahawak sa manibela sa gitna) ang tatlong yunit ng “power tractors” sa mga Opisyales ng “Ulopan na Dumaralos ed Urbiztondo” (Samahan ng Mga Magsasaka sa Urbiztondo) nito lamang Lunes, ika-30 ng Oktubre 2017. Ito at isinagawa pagkatapos ng Weekly Flag Raising Ceremony.

Ang mga naturang traktora ay ipinagkaloob ng Department of Agriculture, Regional Office I, San Fernando, La Union dahil sa kahilingan at pakikipag-usap ni Mayor Sison II.
Kasama ni Mayor Sison II ang ilang Opisyales ng bayan tulad nina Hon. Vice Mayor Marilyn S. Sison ( nakasuot ng grey dress at Coun. Dyna P. de Guzman, nakasuot ng barong).

Naging masikap sa paggawa ng follow-up si Dr. Manuel C. Vallo (in white barong sa harap), ang Municipal Agriculturist na nagpabilis ng pagkakaloob sa mga naturang traktora.