“Mga Opisyales ng Urbiztondo, Panalo sa Paligsahan sa Pag-Asinta o Pamamaril (Shootfest)” Posted on February 21, 2018

28168242_2045935792316532_7894515793147150015_n

Nag-uwi ng karangalan, mga tropeo at cash prizes ang mga Opisyales ng Urbiztondo sa katatapos na Paligsahan sa pag-asinta (shootfest) na ginanap noong Pebrero 17, 2018 sa Provincial Police Office, Lingayen, Pangasinan.

Nilahukan ito ng mga Opisyales mula sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan kung saan itinanghal na kampeon si Konsehal Dyna P. De Guzman (pangatlo mula sa kanan) sa kategoryang Pambabae, Mayor Martin Raul S. Sison II 2nd Runner-Up sa kategoryang Limited 10 (pangapat mula sa kanan) at is Board Member Raul P. Sison 2nd Runner-Up sa kategoryang Stock Hi-CAP kung saan tinanggap ni Vice Mayor Marilyn “Ate Lai” S. Sison ang tropeo (pangapat mula sa kaliwa) at Konsehal Brandy M. Palisoc 2nd Runner-Up sa kategoryang Panlalaki (pangalawa mula sa kanan). Sumaksi sina Municipal Administrator Romulo M. Velasquez (una sa kaliwa), Konsehal Volter D. Balolong (pangalawa mula sa kaliwa), Konsehal Zenaida “Baby” Espinosa (pangatlo mula sa kaliwa) at Konsehal Pepito C. Calugay (una mula sa kanan).