“MALIWANAG NA URBIZTONDO, KATUPARAN NG ISANG PANGAKO” Posted on October 18, 2018

Lalagyan natin ng streetlights ang lahat ng Barangay para sa mas maliwanag na Bayan ng Urbiztondo”!

Ito ang pangakong binitawan ni Mayor Martin Raul S. Sison II sa kanyang ikaapat na State of the Municipality Address (o SOMA) noong July 30, 2018.

Pagkalipas ng tatlong buwan, tinatamasa na ng mga taumbayan ang maliwanag na kalsada sa buong Bayan ng Urbiztondo.

Ngayon hindi na natatakot ang mga mamamayang maglakad at bumiyahe ano mang oras ng gabi.

Sa isang kasunduan, nagtulungan ang pamahalaang lokal at pamahalaang pambarangay para maisakatuparan ang naturang proyekto.

Ang proyektong ito ay kauna-unahang nagawa sa loob ng Administrasyon ng batang Alkalde.

Labis namang ikinatuwa ng mga Mamamayan lalo na ang mga Kabataan ng buong Bayan ng Urbiztondo lalo na sa nalalapit na Simbang Gabi nitong Disyembre at tuwing may mga okasyon o programa silang dadaluhan sa kaparehong oras.

Brgy-Balangay Brgy-Duplac