“ISA NA NAMANG ATM BOOTH, ITINATAYO SA BAYAN NG URBIZTONDO”. Posted on February 1, 2017

16473589_982374151862383_382657063569620927_n

Dahil sa nasasaksihang mabilis na pagbabago sa Bayan ng Urbiztondo sa pamumuno ni Hon. Martin Raul S. Sison II, mabilis ding nagpasya ang Management ng Land Bank of the Philippines (LBP)- San Carlos Branch sa pagtatayo ng kanyang ATM Booth sa harap ng Municipal Hall.

Ito ang tugon sa hiling ng mga Kababayan ni Mayor Sison II na mag-anyaya pa ng magbibigay ng ATM services upang di na sila pupunta sa mas malayong kinatatayuan ng ATM booth lalo na ng Land Bank.

Inaasahan ang pagbubukas nito sa susunod na 2-3 na linggo.

Nauna nang nagpatayo ng katulad na ATM booth and Phil. National Bank (PNB) at ang Producers Savings Bank sa Urbiztondo noong nakalipas lamang na taon.