“GSIS MEMBERSHIP NG MGA EMPLEYADO NG LGU URBIZTONDO, LUTAS NA ANG MGA KAUGNAY NA ISYU”. Posted on February 14, 2017

16711765_1868969946679785_4291877576439515537_n

Isang mabuting balita para sa mga regular na Empleyado ng LGU Urbiztondo na pagkatapos ng ilang taon, maipagpapatuloy na nilang muli ang pagtamasa ng kanilang mga pribelihiyong kaloob ng Government Service Insurance System (GSIS) tulad ng sa pag-apply ng mga salary loans.

Ito ay malapit nang mangyari nang nagpulong ang Pamunuan ng GSIS Dagupan City Branch at ng LGU ng Urbiztondo noong Pebrero 15, 2017 sa Municipal Hall Conference Room. Mga ibat-ibang “membership issues” ang matagumpay na nalutas.

Naging mabunga ang pagpupulong na pinangunahan ni Kgg. Mayor Martin Raul S. Sison II (nakasuot ng itim na sweat shirt) kasama ang Local Finance Committee ng Bayan at ni Madam Josefina B. Abao (nasa bandang kaliwa ni Mayor Sison II) kasama ang kanyang mga Staff.
(Kuhang larawan ni G. Gilbert Perez).